Mamamayan ng Baguio, Magkaisa at Lumaban! Itakwil ang Papet, Pahirap at Korap na Rehimeng US-Aquino!

This day marks Aquino’s fourth year as an inutile president. The people ask, “SO, anong NAngyare?” due to the fact that the development he claims the country is achieving is only felt by the rich minority.

We are with the farmers who are marching towards Mendiola at this moment. With them, we call for the removal of CARP and for the rights of the people in land and life.

Aquino should be afraid. Because now, more than ever, the oppressed majority is ready to reject and remove him from his position.

Tongtongan Ti Umili will be holding its 5th “SONA ng Mamamayan” on July 28 to express the grievances of the people and present alternatives on how the issues and concerns of the country should be addressed.

Opinion-Tracy Anne Dumalo; Tongtongan Ti Umili, Secretary-General

Dalawang Babae ng Ating Panahon

luchie dalawang babae luchie dalawang babae2

Isang anak ng magiting na mandirigma
Parusa sa ama ay kanyang minana
Tinugis at pinagkaitan ng laya,
Ngayo’y isa siyang matatag at di magaping ina
Na nagsilang ng bilanggong pag-asa.

Samantala, ang isa ay patron at amiga,
Walang kurap-matang nanalanta
Nandambong sa pinaghirapan ng madla
Namuhay sa nakaw na riwasa
Kupkop ng trapo’t tulisang kapwa.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang nakikihamok sa bagsik ng kahirapan
Lumusong sa larangan ng laban
Pagka’t doon ang dapat niyang paglagyan
Ambag niya sa supling at kinabukasan.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang walang budhi’t pakundangan
Buwitre’t galamay ng pulitikong mayayaman
Pagkakamal ay walang alinlangan
Pagka’t estado’y nasa kanyang likuran.

(Palayain si Andrea Rosal!)

tula ni Luchie Maranan

PATUTUNGUHAN

luchie patutunguhan
Sa bayang kulapol ng panimdim
At gulo
Ano ang nalalabi
Ano ang pipiliin
Upang makaahon sa sigalot na ito?”
Matuto na sana tayo
Sa binitawang sumpa’t pangako
Sa tuwid na daan
Ng mga pinunong ulupong
At palalo
Kundi’y paikot-ikot lamang tayo
Sa landas na ito.
Maaaring mabako’t batu-bato,
Matarik, may balaho
Kung saan tayo patungo
Hindi patag ang daan
Tungo sa tunay na pagbabago.
Mayo 28 2014

tula ni Luchie Maranan

PROTEST ACTION AGAINST THE PRIVATIZATION OF BAGUIO GENERAL HOSPITAL

June 27Makati Medical Center man o si Manny Pangilinan ang kapirmahan ng BGH admin, malinaw na ito ay pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan. Malinaw na ipinagkakait sa mamamayan ang karapatan sa maayos at murang serbisyo.

NO to Privatization of Baguio General Hospital!Image

Image

Image

ImageImage

Mga Eksena

Wala siyang karamdaman
Habang nagnanakaw
Wala siyang sinasanto o diyos na kinatakutan 
Habang nagkakamal ng yaman
Wala siyang kakurap-kurap
Habang nagkakait sa mahihirap
Ang mga kriminal nga naman
Sa huling sandali’y gagawa ng eksena at paraan makalusot lamang.

Huwag natin silang hayaang
Manatili sa labas ng kulungan!

-Luchie Maranan