JAM AGAINST THE PORK BARREL SCAM, RALLY FOR ACCOUNTABILITY!

LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

NO TO AQUINO’S PORK COVER-UP!

 

Halos isang taon na mula nang nabunyag ang multi-bilyong pisong pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles, mga mambabatas at mataas na opisyal ng gobyerno. Pero sa panahong ito, iilan pa lang ang nakasuhan tulad nila Senator Enrile, Revilla, Estrada at mga istap nito at naiimbestigahan sa kabila ng naghuhumiyaw na katotohanan na napakarami ang sangkot sa katiwalian. Kung sa Kordilyera, makikita na sangkot daw ang dating mambabatas na si Cong. Samuel Dangwa at iba pang mambabatas at mayors.

Habang nagsisiksikan ang mga estudyante at guro sa mga maliliit at kulang-kulang na klasrum sa buong bansa, Malaya pa rin ang mga nagnakaw sa pondo ng bayan. Hindi na sila nahiya sa mga kabataan, magulang at guro na nagdurusa sa pagbubukas ng eskwela.

Ang totoo, matagal nang pinagtatakpan ni Pangulong Aquino ang mga kaalyadong sangkot sa pork scam, kabilang na ang mga miyembro ng kanyang gabinete tulad nina Butch Abad (DBM), Proseso Alcala (DA) at Joel Villanueva (TESDA). Matagal nang alam ni Aquino ang listahan ni Napoles. Matagal nang hawak ng NBI ang mga impormasyon galing  kay Benhur Luy kaugnay ng mga personaheng sangkot sa kurapsyon.

Sa kabila nang lahat ng ito, walang makabuluhang hakbang ang gobyernong Aquino para habulin ang sinasabing mahigit 100 congressman at halos 20 senador na sangkot sa scam. Nakatuon lang ang pagsisikap ng gobyerno sa iilang personahe na karibal pa sa pulitika.

Ang masaklap pa, habang pumipili ng hahabulin ang rehimeng Aquino, nananatili naman ang balon ng katiwalian sa Kongreso at Palasyo. Hindi naman binuwag nang tuluyan ang pork barrel ng Kongreso at nananatili pa rin ang mas malaking pork barrel ng pangulo. Kaya nga nabansagang “Pork Barrel King” si Aquino dahil nananatiling nasa kanya ang pinakamalaking pork.

 

Ano kung gayon ang realidad?

  1. Si Aquino ang pinakamalaking balakid sa pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa pork barrel scam. Siya ang protector ng mga alyado niyang sabit sa katiwalian ng pork. Hindi sya seryosong makamit ang katarungan.
  2. Hindi pwedeng iaasa sa mga pulitiko ang pagpapanagot sa mga nagnakaw sa bayan. Kailangang makialam ang mamamayan. Kailangan kalampagin ang pamahalaan!
  3. Dapat panagutan ang Pork Barrel King na si Aquino at ang kanyang mga kurap na biik sa gobyerno. Nagpapatuloy ang kurapsyon sa iba’t ibang antas sa ilalim ng gobyerno ito. Bulok na bulok ang kabuuang sistemang pinaghaharian nila at ito’y sistemang pinakikinabangan lang ng iilan habang karamihan ay naghihirap at pinagsasamantalahan.

Tutulan natin ang pakanang palusutin ang mga alyado ng Pangulo sa pananagutan nila sa pork barrel scam. KUNG AYAW MO NA SA SISTEMANG PAGNANAKAW AT PANLOLOKO, TARA NA’T SUMAMA!

Panagutin ang Pork Barrel King sa Malacanang at ang lahat ng nagnakaw sa bayan!

Hinihingi natin ang RESIGNASYON ni Budget Sec. Butch Abad at Proceso Alcala sa kanilang kasalukuyang posisyon na nasangkot sa PDAF at DAP misuse.

 

NO TO AQUINO’S PORK COVER-UP!

ImageImage

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s