Pauwi Sa Amin

“Abra!Abra! Abra!”
“Manong last trip na po ba ‘to?”
“Oo, sasakay ka ba?”

Hay sa wakas, dumating na rin, sampung oras nanamang biyahe to. Makakauwi na rin ako sa amin. Sana may upuan pang matira. Sa terminal na ito marami kang masasabayang bumabiyahe. Marami ring rason kung bakit aalis: mayroong may bibisitahing pamilya, mahal sa buhay, may magbabakasyon, may iba naman na may nilalayuan o tinatakasan.

Kahapon tumawag si itay, sabi huminto muna ko sa pag aaral dahil hindi sumapat ang ani ngayong buwan para makabayad sa matrikula. Pinangbayad muna ng upa sa lupa. Umuwi daw muna ako at tumulong,

“Sakali pag nakabawi tayo anak next year mag re-enrol ka na lang ulit.”

Hindi na rin ako nakipagtalo, pumayag na lang ako.

Pero isang taon na lang, gagraduate na rin ako, maiuuwi ko na rin ang diploma na inaasam asam nila, na inaasam asam ko. B.S.E. – Bachelor of Secondary Education. Teacher. Makakahanap ako ng trabaho, makakalipat na kami ng bahay, mapapag aral ko na yung bunso namin. Gusto daw niyang maging doktor.

Ano ba ang gastusin ng isang estudyante? Boarding house, pagkain sa araw-araw, pamasahe, readings at libro, wala pa diyan ang matrikula.

Muntik muntik ako laging hindi nakakapag enrol kada sem, kilala na ko ng registrar namin, “Mr. Promisory note”

“Hala ma’am sige na, iapprove niyo na itong promisory note ko.”

“Promisory note na naman, hindi lang ikaw ang estudyante dito, may loan ka pa last sem, kulang kulang 4000 pesos din yon.”

“Ma’am pangako naman ni tatay magpapadala rin siya sa biyernes”

Sige na ma’am

Please. Please.…

Hindi na makakapagdala ang itay ngayong sem. Wala na ring promisory note na pipirmahan, hindi na rin ako magmamakaawa, hindi na rin ako makikipagtalo.

Hay, isang taon na lang. Isang taon gagraduate na ko. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. Magagalit ba ako? malulungkot ba ko? Hindi ko alam kung sinong sisihin ko: si itay ba, o ang registrar ba namin, o ang eskwelahan?

Sa tingin ko hindi ko naman na kailangang magreklamo.  Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataong mag aral. Swerte na ako, hindi man nakapagtapos. Sabi nga ni itay “’di bale anak, makakabawi din tayo, next year. Next year mag re-enrol ka ulit.” B.S.E Bachelor of Secondary Education. Teacher.

Sabay ng biyaheng ito, dala dala ko ang mga pangarap ko pauwi sa amin.

“O aalis na, aalis na.”

 

 

*Isang akdang inspirasyon ay halaw sa kanta ni Bong Ramilo, sa parehong pamagat

 -Kervin Calabias

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s