Dalawang Babae ng Ating Panahon

luchie dalawang babae luchie dalawang babae2

Isang anak ng magiting na mandirigma
Parusa sa ama ay kanyang minana
Tinugis at pinagkaitan ng laya,
Ngayo’y isa siyang matatag at di magaping ina
Na nagsilang ng bilanggong pag-asa.

Samantala, ang isa ay patron at amiga,
Walang kurap-matang nanalanta
Nandambong sa pinaghirapan ng madla
Namuhay sa nakaw na riwasa
Kupkop ng trapo’t tulisang kapwa.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang nakikihamok sa bagsik ng kahirapan
Lumusong sa larangan ng laban
Pagka’t doon ang dapat niyang paglagyan
Ambag niya sa supling at kinabukasan.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang walang budhi’t pakundangan
Buwitre’t galamay ng pulitikong mayayaman
Pagkakamal ay walang alinlangan
Pagka’t estado’y nasa kanyang likuran.

(Palayain si Andrea Rosal!)

tula ni Luchie Maranan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s