Mamamayan ng Baguio, Magkaisa at Lumaban! Itakwil ang Papet, Pahirap at Korap na Rehimeng US-Aquino!

Press Release

July 3, 2014

Sa loob ng apat na taon, napatunayan ng mamamayan na ang mga programa, polisiya at patakaran sa ilalim ni Aquino ay para lamang sa iilang mayayamang indibidwal, negosyo at mga kumpanya. Yumayaman ang iilan habang nagdurusa naman ang nakakarami.

“Sinabi ni Aquino noong siya ay tumatakbo pa lamang na presidente noong 2010, na ‘Kapag walang korap, walang mahirap’. Ngunit sa kasalukuyan, makikita natin na kaya pala dumami ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay dahil ang presidente mismo ay korap” sinabi ni Tracy Anne Dumalo, Secretary-General ng Tongtongan Ti Umili.

Ang Tongtongan Ti Umili, kasama ang iba pang mga progresibong indibidwal, grupo at organisasyon sa Metro-Baguio ay magsasagawa ng mga aktibida na tutungo sa isang malakihang SONA ng Mamamayan sa ika-28 ng Hulyo. Ito ay upnag ipanawagan ang pagtatakwil sa isang papet, pahirap at korap na rehimeng nagpapaigting ng kahirapan ng mamayang Pilipino, kapalit ng gananysa ng iilan.

Ang mga sumusunod na aktibidad ay tumutugon sa malawakang panawagang pambansa:

July 4 Phil-Am Friendship Day

Photo-Info Exhibit on EDCA (9-5pm at People’s Park)

July 8 Abolish Pork Movement- Metro Baguio Convenors Meeting (3-5pm)
July 16 State of the Youth Address
July 21 State of the Women’s Address

State of the Teachers’ Address

July 25 Round Table Discussion for Education
July 28 SONA ng Mamamayan

9:00am-3:30pm: Decentralised SONA sa palengke, terminals at mga paaralan

1:00-3:30- Kalagayan ng Mamamayan Exhibit

4:00-5:00- Martsa mula Post Office patungong Igorot Park

5:00-6:00-SONA ng Mamayan

 

“Inaanyayahan naming ang lahat ng mamamayan ng Baguio na makiisa at ipanawagan ang pagpapanagot sa isang kurap, papet at pasistang gubyerno. Alam na natin na puro kasinungalingan na naman ang lalabas sa bibig ni Aquino sa kanyang ika-limang SONA, kung kaya naman nararapat lang na mas matibay ang ating pag-giit sa ating karapatan at tuluyan na siyang itakwil ng mamamayan!” dagdag ni Dumalo.

 

Reference:

Tracy Anne Dumalo

Secretary-General

Tongtongan Ti Umili

 

          

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s