POSD at Mayor Domogan, Dapat Managot sa Pagpatay kay Caranto

 Nilikha umano ang Public Safety and Order Division (POSD) upang maging
katulungan ng lokal na gobyerno ng Baguio City sa pagpapanatili ng kaayusan
at kapayapaan sa lungsod ng Baguio. Samantala, imbes na gampanan ang
kanilang tungkulin na sugpuin ang mga iligal na aktibidad sa lungsod, tila
ang institusyong pang ito ang nangunguna sa paglabag sa mga batas at
karapatang pantao na dapat nitong itinataguyod.

Nito lamang Hulyo 4, walang awang binugbog ng mga elemento ng POSD si Oscar
Caranto, isang sidewalk vendor na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Sa
imbestigasyon ng pulisya, ang pambubugbog sa biktima ay dahil sa lamang sa
pagtitinda nito sa “out of jurisdiction area” para sa mga tindero’t tinder
sa palengke ng Baguio City.

Sa nasabing insidente,  tila naghuhugas kamay ang alkalde ng syudad na si
Mauricio Domogan . Kung tutuusin, siya mismo, higit sa lahat, ang may
pinakamalaking pananagutan sa nasabing krimen. Malinaw na ang POSD ay
direktang hawak ng opisina ng alkalde. Si Domogan rin mismo ang nagbibigay
ng taguri sa mga manininda bilang “illegal vendors”. Ito ang dahilan kung
bakit bulnerable ang mga ito sa pandarahas sa kamay ng mga POSD.

Dagdag pa rito, walang ibang dapat sisihin sa kawalan ng oportunidad ng mga
maninida na makapaghanapbuhay kung hindi ang kanyang administrasyon. Kung
sususuriin, bigo ang lokal na gobyerno na maglaan ng mga lugar upang
makapagtinda ang sidewalk vendors. Kung mayroon mang lugar para dito,
pinapatawan naman ito ng mataas na upa. Hindi naman kayang tugunan ng
kakarampot nilang kita ang nasabing bayarin.

Sa katotohanan,  pinapanigan lamang ng gobyerno ni Domogan ang malalaking
mga negosyo tulad ng mga  *malls* na relatibong mas mahal ang mga paninda.
Kapansin-pansin ito sa regulasyon na pinatutupad ng lokal na gobyerno  na
layong sirain ang hanapbuhay ng mga maliliit na manininda at tanggalin ang
kumpetisyon. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit mainit ang mata ng POSD
sa mga sidewalk vendors.

Patunay rin sa pagpanig ni Domogan sa mga malalaking negosyante ang  patuloy
nitong pagsuporta sa pagbuwag ng pampublikong pamilihan ng syudad upang
itayo ang UNIWIDE na pagmamay-ari ng iilang negosyante lamang.

Ipinapakita lamang ng mga insidenteng ito ang hindi makataong trato ng
administrasyon ni Domogan sa mga mamamayan, partikular sa mga simpleng
tindero’t tindera sa Baguio City Market. Imbes na tulungan sa kanilang
hanapbuhay, ang gobyerno pa mismo ang nangunguna sa pagsupil sa mga
sidewalk vendors.

Sa huli, marapat lamang usigin at panagutin ang POSD at si Domogan sa
kanilang krimen sa mga sidewalk vendors. Nararapat din na gumawa ng aksyon
ang lokal na gobyerno upang hindi na muling mangyari ang ganitong insidente.



Hustisya para kay Oscar Caranto!

Buwagin ang arogante at kontra mamamayan katangian ng POSD!

Makibaka para sa karapatan sa Empleyo ng mga Mamamayan ng Baguio!




For reference:

*KING CRIS PULMANO*
*Spokesperson*

*Anakbayan-Cordillera *

*Contact: 09061800157*

*Facebook: Anakbayan Cordillera*
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s