SO, anong NAngyare?

SONA na naman. SONA nino?

SONA ng mamamayan at bayan, o SONA lang ni Aquino?

Limang SONA na ang dumaan, limang taong kasinungalingan.

SONA ng mayayamang nakinabang sa pagiging pangulo ni Aquino.

 

Naghihirap ang mamamayan, tinanggalan ng karapatan. Ito ang SONA ng mamamayan.     

Sunud-sunuran si Aquino sa dikta ng boss niyang Amerikano. Ipapasok ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) upang bigyang daan ang agresibong imperyalistang pagkontrol ng mga bansa sa SouthEast Asia. “Stepping stone” lang tayo sa sariling agenda nito. Si Obama na mismo ang nagsabi—hindi ito papasok sa gyera sa Tsina para lang protektahan tayo. Bakit? Dahil ilang daang trilyong dolyar ang utang ng Amerika dito.

Sa usapin naman ng DAP at pork barrel. Ang kapal naman ng mukha ng presidenteng ito na dalawang beses pa humarap sa publiko upang ipagtanggol ang gawa-gawa niyang Disbursement Acceleration Program o DAP. Ano ito, mali ang Korte Suprema sa pagdeklarang “unconstitutional” ang DAP? Ibig sabihin ba ang pangulo ay hindi saklaw ng mga batas at konstitusyon? Ang magnanakaw na pilit dinedepensahan ang sarili habang huling-huli na nasa kamay niya ang ninakaw niyang pera ng mamamayan. Pera ng bayan, galing sa bulsa ng mamamayan, ginamit para lang sa iilan.

Natanggal na din ang mapagkunwaring maskara ng Oplan Bayanihan ni Aquino at ng AFP dahil sa walang habas na pagpatay ng mga katutubong liders at miyembro ng mga komunidad. Inaagaw ang mga lupang ninuno upang bigyang daan ang mga minahan at mga higanteng kumpanya at proyekto. Oplan Bayanihan ba o Oplan Anti-Mamamayan?

Sa pagpapatupad ng Public Private Partnership o PPP sa syudad ng Baguio ay tuluy-tuloy ang pagsasapribatisa ng mga serbisyong pangkalusugan at pampublikong lugar. Nandyan ang mataas na singil sa CRs, planong pagtatayo ng multi-level at underground parking lot sa Melvin Jones at pagbebenta ng city market sa mga pribadong negosyo.

Ang City Charter at Regional Autonomy ni Congressman Aliping at Mayor Domogan ay ginagamit lamang para sa pagpapabango at sariling ganansya. Hindi nito sinasagot ang problema sa lupa at land conflicts, at kawalan ng trabaho at tirahan. Mas binibigyan ng atensyon ang promotion ng turismo para sa income-generation ng syudad habang nananatiling walang disenteng trabaho at kabuhayan ang mga residente dito. Ang mga maliliit na manininda o vendors ay laging kinakaharap ang mataas na upa o singil sa mga pesto sa market at demolition. Nito lamang ay may namatay na vendor na si Oscar Caranto dahil sa pagbibintang at pambubugbog ng POSD. Syudad ng baguio o syudad ng negosyo?

Napakalawak naman ng pagkasira ng ating kalikasan sa pamamagitan nga pagpuputol ng puno at pagkamkam ng mga lupain upang bigyang daan ang mga negosyo. Gaya na lamang ng pagkaputol ng mahigit 700 na mga puno para sa pagpapagawa ng kalsadang tutungo sa isang resort. Ito ay kahit pa dineklarang “Forest Reserve” ang Sto Tomas simula pa 1941. Anong klaseng pagbabantay ang ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lugar na ito at unti-unti nang nasisira ang Sto. Tomas? Dagdag pa, pinalala ito na isang pulitiko ang responsable sa pagkasira ng kalikasan. Hindi sapat ang P50,000 na multa sa kasalanang ito sa kalikasan at sa mamamayan.

Patunay lamang ito na may mga pulitiko at opisyal sa gubyerno, mula nasyunal hanggang lokal ay pabaya sa mamamayan at pabaya sa ating bansa. Sariling ganansya lamang ang iniisip habang binabalewala ang mas malawak na mamamayan. Wala nang pakiilam sa mga posibleng kapahamakan na dala ng mga aksyon nila gaya ng landslides at pagbabaha o kawalan ngwater supply ng syudad.

 

SO, ano NA?

Buong buwan ng Hulyo ay ipinahayag ng mamamayan ng Baguio ang tunay na dinaranas natin sa ilalim ng rehimeng US-Aquino. Mula sa SOTeachersA, SOHealthA, SOGovt’EmployeesA, SOWomenA, SOYouthA, SODriversA, SOWorkersA hanggang sa SOUrbanPoorA, iisa lang ang ending ng mga ito– pabaya, pahirap, busabos at anti-mamayan si Aquino.

Sa loob ng apat na taon, ang mamamayang Pilipino ay tinanggalan ng karapatan ng pangulong ito—pero bawal tayo magreklamo. Dahil hindi tayo ang boss niya. Ito ang pangulong kalahating baboy, kalahating tuta—sa madaling sabi, BATUTA.

Kung kaya naman ang mga baboy na nandito, ay kumakatawan sa Lahat ng nagpapahirap sa ating mga simpleng mamamayan. Lahat ng dapat singilin at panagutin sa kalagayan n gating bayan. Nararapat lamang na ikulong at hatulan ang mga ito, kasama ng boss nilang si Uncle Sam at Aquino.

Ngayon ay SONA ng mamamayan, ngayon ito ang Hatol ng mamamayan.

Sama-sama po nating ikulong ang mga baboy sa ating bayan!

Itakwil ang Papet, Pasista at Kurap na Rehimeng US-Aquino!

 

(speech delivered at SONA ng MAMAMAYAN sa Baguio; July 28, 2014)

Reference:

Tracy Anne Dumalo

Secretary-General, Tongtongan ti Umli

Advertisements

Mamamayan ng Baguio, Magkaisa at Lumaban! Itakwil ang Papet, Pahirap at Korap na Rehimeng US-Aquino!

This day marks Aquino’s fourth year as an inutile president. The people ask, “SO, anong NAngyare?” due to the fact that the development he claims the country is achieving is only felt by the rich minority.

We are with the farmers who are marching towards Mendiola at this moment. With them, we call for the removal of CARP and for the rights of the people in land and life.

Aquino should be afraid. Because now, more than ever, the oppressed majority is ready to reject and remove him from his position.

Tongtongan Ti Umili will be holding its 5th “SONA ng Mamamayan” on July 28 to express the grievances of the people and present alternatives on how the issues and concerns of the country should be addressed.

Opinion-Tracy Anne Dumalo; Tongtongan Ti Umili, Secretary-General

PROTEST ACTION AGAINST THE PRIVATIZATION OF BAGUIO GENERAL HOSPITAL

June 27Makati Medical Center man o si Manny Pangilinan ang kapirmahan ng BGH admin, malinaw na ito ay pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan. Malinaw na ipinagkakait sa mamamayan ang karapatan sa maayos at murang serbisyo.

NO to Privatization of Baguio General Hospital!Image

Image

Image

ImageImage