11223535_10206709314465064_3658211026885319352_n

they dig up our roads
and construct
reconstruct our home
until almost no
memory can be traced
of what this
city used to be

we walk
through
the curtain-like rain
in the mist
and fog
that makes us remember
what made this place
a haven
why we call it our home

why we need to reclaim it.

The Baguio we want is a haven where people’s rights are fully and genuinely respected.

Happy birthday Baguio.

#TheBaguioWeWant

-tula at kuha ni Audrey Beltran

Baguio, at sa mga Naglalahong Kwento

Tinagpas na ang mga alaala ng ating kamusmusan
Mga sugatang bisig ay di na muling lalambitinan,
Mayayakap at masisilungan.
Tanod na lilim sa ating mga paglalakbay
Sa gunita’y hinahanap at ngayo’y nahingalay.

(Crystal Cave, Camp John Hay, Longlong, Sto. Tomas…
Ginapang, ginahis, ginuho ng dambuhalang
Makina ng kasakiman at kaunlaran )

Hinigop, sinaid ang batis ng mga payak na pananaw
Bitak-bitak na ang bulaos na ating tinunton sa pagtatampisaw
Mumunting pangarap ay inilibing,
Tinayuan ng mga pangakong sinungaling
Binasbasan ng hungkag na simulain.

(Kennon, Loakan, Ambiong, Guisad…
Hahampas ang tag-ulan sa kanilang dibdib
Walang matanaw na agos pagkat naglaho ang landasin)

Kulimlim, mapanglaw ang mga dapithapon
Nahilam ang papawirin
Sa usok ng pagbabanyuhay
Sinakmal ng mga kongkretong halimaw
Ang mapaglarong hangin.

Tinagpas na ang mga alaala
Sinaid na ang pag-asa
Binibilang ko ang mga taon
Nang huling narinig ang mga kwento
Saan na humantong ang mga yapak?

Nakapinid na ang panahong tahimik
Mga lumang palatandaan ay di na maibabalik
Ngunit narito pa rin ang mga lansangan
Tuntunin, kilalaning muli
Abangan ang mga mukha
Bagong tinig na hihilom
Sa mga sugatang alamat.

-tula ni Luchie Maranan

Mangilan-ngilan Lang (para sa mga Manggagawa ng Kentex)

Mangilan-ngilan lang ang naglustay

Ng mobile data, upang sa kanila ay makiramay

Mangilan-ngilan lang ang naglaan ng espasyo

Sa kanilang facebook wall, upang ang naabo

Na mga kabahayan, ari-arian, at mga buhay

Ay idulog ng habag at tulong sa kaitaas-taasan

Mangilan-ngilan lang ang ginamit ang kanilang

Mga hintuturo upang usigin ang kapitalista

Sa nakapanlulumong trahedya

Mangilan-ngilan lang ang nabagabag

Sa bilang ng mga natustang pangarap

Mangilan-ngilan lang ang nagimbal

Sa nag-uumapaw na bilang ng mga kontrakwal

Mangilan-ngilan lang ang humiling ng hustisya

Gayong silang mga alipin ng kapital ang gumawa

Sa mga tsinelas, sapatos, sandalyas, at bota

Na ipinangbabalot natin sa’ting mga paa

Mangilan-ngilan lang ang sumubok na maging sila

O samahan man lang sana sila sa pagpasok sa pabrika

Kahit na pudpod sa pagod ang kanilang mga mata

O samahan man lang sana sila upang namnamin ang

Bagsik ng usok ng nasusunog na goma habang

Ito’y pumapasok sa lanta nilang mga katawan

O samahan man lang sana sila sa kanilang

Pag-uwi, at alamin kung ilang kilo lamang ng bigas

At ilang gramo lamang ng galunggong ang sasapat

Sa walang-katumbas nilang mga pagsisikap

Mangilan-ngilan lang ang nakialam

At inalam ang amoy goma nilang mga pangalan

Mangilan-ngilan lang ang nagtiis

At inamoy ang amoy goma nilang pawis

Mangilan-ngilan lang ang sumulat

At nahabag sa amoy goma nilang balat

Mangilan-ngilan lang ang tapat

Sa kanilang mga pananampalataya

Mangilan-ngilan lang ang sa kapwa

Ang handang magpuyat at masugat

Mangilan-ngilan lang ang mga naging Filipino

Para sa mga kapwa natin Filipino.#

**para sa mga Manggagawa ng Kentex

Ni Kislap Alitaptap

15 Mayo 2015

To Baguio Born

The rickety structure sits there, an old lady

Groaning with blurring memories, coughing  from the fumes

Shyly wiping her fading pink frazzled dress,

Unwillingly  erasing the name that had weathered time and stories.

Bautista Apartments stands,  weary but persistent

Wondering where the ancient  narrow Bonifacio street

Bereft of traffic and crowds had winded up or branched down

Perhaps longing for the days when Mt. Mary stood before it

Echoing childen’s cheers and taunts that announced victors in

Youth’s innocent quest for rule of wit and brawn

Then, the pines towered like sentries  above this gladiators’ show.

But the old lady woke up one day with looming gray concrete ever  growing

Eager to choke the sky, a tentacled giant condescendingly staring

At the rundown glory that winces at the weight of neon

And smell of tarpaulins plastered on its sagging walls.

I bade goodbye to a landmark where I was born.

Sundays of my childhood were blissful at the public market square

Teeming with produce and wares from the mountains and lowlands as well,

Old men in g─strings and coats and pipes unloaded their carved creations

Then traded betel nuts and lime and tales and laughter

And I watched in awe how the red spit prolonged conversations

Until the afternoon yawned  and they packed their pasikings for home.

Old women from Ilocos lugged their woven blankets that

We sorted out as paratong or wasig or mercerized cotton

Feeling  the lines and texture that was either rough or soft to the skin

In our church dresses that mother haggled for at the hangar

We raced up the steps of the market square, past Kayang Street

And claimed the rolling hills of Camp Allen as our conquered frontiers

Laces and socks snagged against cattails and marapait

Sundays were for chasing butterflies and imaging clouds for dreams

The afternoon wind was innocent of dust and smoke

And the market scene, like a movie, rolled peacefully as we watched from afar.

A new home, a cottage  nestled on a happy glen cradles stories

Of strewn pine needles and dried leaves that couched our falls on the wild playground

Of how we waded in brooks where tadpoles and tiny fish were frightened by our mirthful laugh

Where goats and tired horses found patches of abundant grass to feed

Queen Ann’s lace, camia, angels trumpets, gladiola, rosal, calla lilies

Flaunted their  heady  fragrances or sat demurely surrendering to the sun

All was still and quiet hoping for rebirth after the rains reigned the season

Everyday at seven, we trekked the asphalt path with schoolbags as cargo

Greeting the rubber tree  by the Cathedral, a serene sentry at the school’s entry

We passed pine, alnus and eucalyptus trees and surveyed the distant hills before the bell rang

Through the classroom’s open frosted windows we let the breeze in

Green drapes drawn to the sides gifted us a view of Carabao Mountain untouched

Only shrubs and brambles crawled , creeped and climbed the silent slopes

Solitary trees looked across each other as they were orchestrated by the wind.

The rolling hills, the dark mysterious  ridges, the unchartered boulders

Were barriers guarding this city from threatening phantoms of blight.

We were jolted one day, for they had slashed the sentinels of our innocence

Chopped the precious trunks that were signposts of our growing years

Shredded the leaves and branches that sheltered our simple dreams

Dredged, drained and dried up the springs of our youthful hopes

They blindly trampled on sacred grounds, unmade places where history resides

Roads are convoluted with traffic snarls and heave a mass of strangers

Concrete and steel monsters battle each other to conquer the skyline

The market turned into a lair of homeless children and agile thieves

Stench is a reminder that something deeper and higher is rotten

They who plan and rule sit on promises and have easily forgotten

That this highland haven can only handle what it can hold.

But let not twilights be of gloom and despair smothered by

Spectres of monstrous edifices of greed and avarice

No, we cannot go back to that blissful serenity

And pine for pine and weep for old familiar places

But we can rage, race for time allowed us still to undo what we can.

So we can finally come home again.

Cordillera Day

Environmental Summit

UP Baguio April 22,2012

Nanay Celia

Binulabog mo ang bayan natin sa iyong pagtangis

Isang inang ingrata na gustong maningil sa gobyernong tinalikuran ka

Noong mga panahong naghahanap ka ng kasagutan

Noong mga panahong ninais mong dugtungan ang buhay ng iyong anak

Anong karapatan ng isang katulad mong dukha na maningil?

Wala kang puwang sa lipunan ng mga marunong magpasalamat

Mga bulag na nagpapasalamat sa liwanag ng tuwid na daan

Mga bingi na nagpapasalamat sa ingay ng kaapihan

Nakakatakot ang mga katulad mong erehe

Bakit ang lakas ng loob mong usigin ang mga nasa kapangyarihan?

Sapagka’t hindi nila lubos maisip na hindi kayang magbanggit ng “Salamat”

Ang bibig mong uhaw sa hustisya at puso mong naghihinagpis

Nakakagalit ang mga walang utang na loob na kagaya mo

Bakit mo nilalabanan ang gobyernong hinayaang masadlak sa death row si Mary Jane?

Sapagka’t kaya mong isipin na hindi mo dapat utang na loob ang karapatan na ipinagkait sa anak mo

Dahil hindi ka matatakot ilantad ang pagpapabaya sa mga katulad ni Mary Jane

Nanay Celia, maaalala ka ng mga lumalapastangan sa iyo sa ngayon

Sa mga araw na tatalikuran din sila ng mga nasa kapangyarihan

Sa mga panahon na itinataboy na rin sila ng sistemang unti-unting kumikitil sa kanilang pag-asa

Maiisip nila si Celiang Ingrata, ang inang nagtaksil sa bulok na sistema

Habang patuloy ang ating pagnanasa na mapalaya si Mary Jane

Tumangis ka muna sa piling ng mga kapwa mo walang utang na loob

Iyong mga katulad mong ingrata na hindi ka iniwan noong hinihintay ang mga putok ng baril

Iyong mga kagaya mong erehe na hindi sumuko hanggang sa huling pagkakataon

Nanay Celia, larawan ka ng isang mabuting ina ng bayan

At nais kong ipahatid ang mensahe ng isang anak at ingrata na katulad ko

Na marunong magalit ang inang umiibig

Na makatarungan ang lumaban at mang-usig

Maniningil tayo

ni Kislap Alitaptap

Lualhati sa mga Nanay Celia

Lualhati sa mga Nanay Celia

Sa mga Inang umaruga  sa lupa

Sa mga Inang bumuhay sa lakas ng paggawa

Sa Inang Bayan, at sa Inang Laya

Lualhati sa mga Anak ng Dalita

Sa mga Anak na bukal ng pakikibaka

Sa mga Anak na gumigising sa umaga

At ibinabangon sa pag-unlad ang bansa

Lualhati sa mga mananampalataya

Ng Pananampalatayang Buhay

At sa mga pangalang dinadakila

Sa mga walang pangalang libingan

Lualhati sa mga Mary Jane Veloso

Lualhati sa mga Karaniwang-tao

Lualhati sa Pambansang Demokrasya

Lualhati sa mga Nanay Celia. #

ni Kislap Alitaptap

03 Mayo 2015

Para kay William

Isang taon na ang lumipas

Mula noong ikaw ay barilin

Ng mga asong ulol ng dilim

Sa utos ng pinunong duwag

Tatlong bala ang tumama

Ang isa nga’y sa iyong puso

Marahil ang bilang ng itinumba

Sa kanila’y sukatan ng tagumpay

Subalit ano man ang pilit nila

Dakila mong ala-ala’y di mailibing

Patuloy nilang itinatanggi

Kinukumbinsi ang mga sarili

Buhay mo’y wala nang saysay

Subalit tulad ng mga dakilang nauna

Binhi ng paglaban at paglaya

Sa mapaniil,mapangaliping sistema

Naitanim sa aming puso’t diwa

Lalong pinalago ng iyong pawis at dugo

At sa iyo ngang kinabuwalan

Marami ang bumangon nagpatuloy

Sila naman ngayon ang sinisipat

Nitong mga asong ulol na sa liwanag

Nama’y bahag ang mga buntot

Tila hindi na talaga sila matututo

Paulit-ulit ang kasaysayan sa pagsabi

Hindi mamatay ang pagaaklas

Ilang libo man ang dukutin at patayin

Hangga’t umiiral ang bulok na sistema

At bayan ay saklot ng dilim at dahas

Libu-libo ang uusbong, babangon

Upang buwagin palitan ang kasalukuyan

At hawanin ang daan tungo sa paglikha

Sa isang tunay na malayang bukas

-tula ni Kimberly Quitasol