14371792_10208846108342870_1312235122_n

Advertisements

All freedom and democracy-loving Filipinos, especially in Northern Luzon, should reject this re-writing of history and serious attempt of the Marcoses to reclaim political power. Let us expose the lie of the Solid North!

The activity will include direct testimonies from the victims of martial law in Northern Luzon, a backgrounder to the assassination of Macliing Dulag and the people’s Cordillera Day, a discussion on people’s lawyering during martial law, cultural numbers, and photo exhibits on the Marcos Ill-Gotten Wealth and Northern Luzon Heroes and Martyrs from Bantayog ng mga Bayani.

Highlight of the event will be a tribute to former Senators Jose W. Diokno, Lorenzo Tañada, and Atty. William F. Claver, exemplary human rights lawyers who set up the Free Legal Assistance Group and who defended pro bono people struggling to break free from the shackles of the fascist dictatorship.

Dalawang Babae ng Ating Panahon

luchie dalawang babae luchie dalawang babae2

Isang anak ng magiting na mandirigma
Parusa sa ama ay kanyang minana
Tinugis at pinagkaitan ng laya,
Ngayo’y isa siyang matatag at di magaping ina
Na nagsilang ng bilanggong pag-asa.

Samantala, ang isa ay patron at amiga,
Walang kurap-matang nanalanta
Nandambong sa pinaghirapan ng madla
Namuhay sa nakaw na riwasa
Kupkop ng trapo’t tulisang kapwa.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang nakikihamok sa bagsik ng kahirapan
Lumusong sa larangan ng laban
Pagka’t doon ang dapat niyang paglagyan
Ambag niya sa supling at kinabukasan.

Dalawang babae ng ating panahon
Isang walang budhi’t pakundangan
Buwitre’t galamay ng pulitikong mayayaman
Pagkakamal ay walang alinlangan
Pagka’t estado’y nasa kanyang likuran.

(Palayain si Andrea Rosal!)

tula ni Luchie Maranan

PATUTUNGUHAN

luchie patutunguhan
Sa bayang kulapol ng panimdim
At gulo
Ano ang nalalabi
Ano ang pipiliin
Upang makaahon sa sigalot na ito?”
Matuto na sana tayo
Sa binitawang sumpa’t pangako
Sa tuwid na daan
Ng mga pinunong ulupong
At palalo
Kundi’y paikot-ikot lamang tayo
Sa landas na ito.
Maaaring mabako’t batu-bato,
Matarik, may balaho
Kung saan tayo patungo
Hindi patag ang daan
Tungo sa tunay na pagbabago.
Mayo 28 2014

tula ni Luchie Maranan